DOJ kay Iqbal: Buong report ng Mamasapano isumite
MANILA, Philippines - Umapela si Justice Secretary Leila de Lima kay the Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief negotiator Mohagher Iqbal na kailangan nila ang buong report sa January 25 Mamasapano incident at hindi summary lamang.
Ang apela ni de Lima ay bunsod naman ng pahayag ni Iqbal na isusumite lamang nila ang executive summary dahil ang complete version ay para lamang sa MILF.
Lumilitaw na umaabot sa 60 katao kabilang ang 44 miyembro ng Special Action Force ang namatay sa engkuwentro sa Mamasapano upang arestuhin ang dalawang wanted na terorista.
Ang sagupaan ay naganap sa kabila ng peace agreement ng pamahalaan at MILF.
Giit pa ni de Lima, kailangan nilang makuha ang buong report dahil doon nakasalalay ang kanilang magiging desisyon.
Samantala, sisibakin ng mga kongresista ang ilan sa mga probisyon sa BBL na sinasabing ‘unconstitutional.’
Sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, chairman ng House Ad Hoc Committee on the BBL, aalisin nila ang sinasabing napagkasunduan ng government panel at Moro Islamic Liberation Front (MILF) tungkol sa pagkakaroon ng sariling Bangsamoro police force. Ang chief minister dito ang mamimili ng magiging pinuno nito, ang chief minister din ang may operational control at supervision sa Bangsamoro police at ito rin ang may disciplinary power.
Pero ayon kay Rodriguez: “The Constitution provides the state, the Philippines shall have one police force. National in scope which shall be administratively controlled by the Napolcom”.
- Latest