Flagdown sa taxi balik P30

MANILA, Philippines – Simula Lunes, Marso 9, balik sa P30 ang flagdown ng mga taxi mula sa kasalukuyang P40, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Biyernes.

Sinabi ng LTFRB na ang pagbaba ng pamasahe ay bunsod ng sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng krudo.

"I'm appealing to them (taxi operators and drivers) to respect the P10 rollback kasi baka mag-away ang mga pasahero at mga driver," wika ni LTFRB member Ariel Inton.

Aniya hindi na kailangan pang ipa-calibrate muli ang mga metro bagkus ay babawasan lamang ng P10 ang kabuuuang halaga ng biyahe.

"It will take time to calibrate all the taxi meters at since provisional lang ito.”

Nagbabala naman si Inton sa mga taxi driver na maniningil pa rin ng P40 na maaari silang maharap sa kasong overcharging.

Show comments