MANILA, Philippines — Makakaranas ng 10 oras na brownout ang mga residente sa ilang bahagi ng Pampanga ngayong araw, Marso 1.
Ito ay base sa ipinalabas na advisory kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ang tanggapan ay nasa Bonifacio Global City, Taguig City.
Ayon sa NGCP kabilang sa maapektuhan ang Mexico, Arayat, Magalang at Mabalacat, na inaasahang mawawalan ng supply ng kuryente simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas- 6:00 ng gabi.
Paliwanag ng NGCP na ang mararanasang power interruption ay para bigyang daan ang pagpapalit ng insulators sa kahabaan ng Mexico-Clark 69-kilovolt line at preparatory works para sa alternate line na gagawin ng PELCO I at isasagawang preventive maintenance sa Plaza Luman, Arayat substation.
Bukod sa lalawigan ng Pampanga ay nakaranas din ng mahabang oras na brownout kahapon ang ilang bahagi ng Misamis Oriental dahil din sa emergency shutdown ng 69 kilovolt line sa Lugait-Carmen kaya ang mga residente dito ay nakaranas ng brownout mula alas- 6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi noong Biyernes.