Mamasapano probe body humirit ng 1-week extension

MANILA, Philippines – Humingi ng isang linggong extension ang Board of Inquiry (BOI) ng Philippine National Police (PNP) para sa kanilang imbestigasyon sa Mamasapano clash na ikinasawi ng 44 nilang tauhan.

"Ongoing pa [investigation]. Ang dami pang ginagawa, kumukuha pa ng [information] mga hindi natatapos," wika ni PNP officer-in-charge Deputy Director Leonardo Espina.

Nitong nakaraang linggo lamang ay nagtungo ng Barangay Tukalanipao sa Mamasapano, Maguindanao, ang mga miyembro ng BOI upang makita ang pinangyarihan umano ng masaker.

Bukod sa inspeksyon ng lugar ay nagtanung-tanong din ang mga pulis sa mga residente malapit sa bahay ni Malaysan terrorist Zulkifli bin Hir, alyas Marwan.

Kahapon sana nakatakdang ipasa ng BOI ang resulta ng kanilang imbestigasyon ngunit hindi ito natupad.

Iginiit naman ni Espina na hiwalay ang BOI panel sa PNP hierarchy.

"Very factual lang yung kanila... Be very truthful, very factual. It (findings) will be submitted to us tapos kay Secretary [Mar Roxas]."

Show comments