MANILA, Philippines – Muling nagbabala ang Ecowaste sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng lucky charms enhancers matapos mabatid na nagtataglay ang ilan sa mga ito ng toxic chemicals.
Nabatid ng grupo ang ganitong panganib matapos na bumili sila ng 20 Chinese New Year good luck charms at ornaments saka ginamitan ng screening para sa toxic metals gamit ang isang portable X-Ray-Fluorescence (XRF) device.
Ang samples, na nagkakahalaga ng P20-P250 bawat isa, ay nabili mula sa specialty stores at bangketa sa Binondo at Quiapo, Manila.
Sa bawat XRF screening, 13 mula sa 20 samples ay nagtataglay ng mataas na kantidad ng lead, arsenic at chromium, tatlo ay may mataas na lebel ng antimony at isa ay labis ang dami ng cadmium, ayon pa sa Ecowaste Coalition.
Ang Arsenic, cadmium at lead ay ilan sa mga “top ten chemicals of major public health concern,” ayon sa World Health Organization (WHO).