US Embassy sarado sa Lunes
MANILA, Philippines - Sarado ang US Embassy sa Maynila at iba pang affiliated offices nito sa bansa sa Lunes, Pebrero 16 bilang paggunita ng President’s Day, isang holiday o pista opisyal sa Amerika.
Magbabalik ang kanilang serbisyo sa Martes, Pebrero 17.
Nagsimula noong mid-1970’s na ang Pebrero 22 na kaarawan ni George Washington, ang bayani ng Revolutionary War at unang naging pangulo ng US, ay idineklarang national holiday. Bukod dito, ang Pebrero 12 na kaarawan ni Abraham Lincoln, ang naging pangulo ng US sa kasagsagan ng civil war noong 1861-1865, ay ginawang holiday sa karamihang states sa Amerika.
Noong 1970’s, idineklara ng US. Congress na “single holiday” ang ikatlong Lunes ng Pebrero na tinawag na President’s Day upang gunitain at mabigyang pagkilala ang mga naging pangulo ng US.
- Latest