Dummies ni Jinggoy sinilip ng Ombudsman
MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng tanggapan ng Ombudsman ang ilang indibidwal na sinasabi ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na tumanggap ng pera mula sa detinadong negosyante na si Janet Napoles sa pamamagitan ni suspended Senator Jinggoy Estrada. Ayon kay Assistant Ombudsman Asryman Rafanan, may fact-finding investigations nang ginagawa ang ahensiya laban kina Carl Dominic Labayen, Juan Tan Ng at Francis Yenko na sinasabing mga dummies ni Estrada. Si Estrada ay inakusahang nagkaroon ng kickback na may halagang P183.79 milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund na ipinondo sa pekeng NGO ni Napoles. Sinasabi sa AMLC report na ang bulto ng kickback ni Estrada ay nakuha nito sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang mga dummies na sina Pauline Labayen, Carl Dominic Labayen, at Ng”. Ang payoffs ay ginawa sa loob ng 30 araw na nakasaad naman sa ledger ng whistleblower na si Benhur Luy. Sinasabi din sa AMLC report na ang fund transfers mula kay Napoles na may halagang P86.875 milyon ay napunta sa bank accounts ni Ng at Yenko. Sa ngayon ang assets ni Estrada na kinapapalooban ng naturang halaga ay pinasususpinde ng Ombudsman. Una nang na-freeze ng Sandiganbayan ang assets ni suspended Senator Bong Revilla.
- Latest