PNoy, Roxas pipili na ng bagong PNP chief

File photo

MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ng Malacañang na pag-uusapan na sa susunod na linggo nina Pangulong Aquino at DILG Sec. Mar Roxas kung sino ang uupong bagong hepe ng Philippine National Police matapos tanggapin ni PNoy ang pagbibitiw ni dating PNP Chief Director General Alan Purisima.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, mag-uusap ang Pangulo at si Roxas para sa bagong PNP chief na inaasahang magpapataas ng morale ng pulisya.

Tiniyak rin ni Lacierda na magiging permanente ang itatalagang bagong PNP chief bagaman at hindi binanggit kung kasama sa mga pagpipilian ang kasalukuyang officer-in-charge na si Deputy Director Gen. Leonardo Espina na nakatakda na ring magretiro sa mga susunod na buwan.

Sinabi rin ni Lacierda na patuloy na tinutugunan ang mga “concerns” na may kinalaman sa pulisya kabilang na ang isyu sa mga pamilya ng 44 Special Action Force commandos na namatay sa Mamasapano, Maguindanao.

Show comments