Pari sa gov't execs: 'Wag nang magsisihan sa Mamasapano clash

44 miyembro ng Philippine National Police Special Action Force ang nasawi sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao. File photo/Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang opisyal ng religious group ngayong Biyernes sa mga opisyal ng gobyerno na huwag nang magsisihan sa pagkasawi ng 44  miyembro ng Philippine National Police Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi ni Father Dexter Toledo, executive secretary ng Association of the Major Religious Superior of the Philippines, na hindi mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng mga pulis sa pagsisisihan ng mga opisyal ng gobyerno.

"Wala po talagang perpekto. Lahat ay nagkakamali ngunit kung may pagkakamali man kailangan itama natin at hindi naman tayo matatapos sa pagtanggap mahalaga yun tinatanggap natin. Pero you also create ways para itama natin lalo higit itong mga pangyayari na ito sa atin," pahayag ni Father Toledo sa Radyo Veritas. .

Ipinaalala din ng pari ang mensahe ng Santo Papa nang bumisita siya sa bansa nitong Enero.

"Mahalaga na makita natin yun sinasabi ng Santo Papa na wala man siyang sagot sa mga problemang dinudulog sa kanya pero ramdam mo na kasama natin sya at siguro sa panahon na ito yun ang dapat ipakita ng ating mga lider sa lipunan na tayo," Father Toledo added.

Ilang pinuno ng Simbahang Katolika ang nanawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Benigno Aquino III dahil sa insidente.

Nakatakdang muling magpaliwanag si Aquino mamaya kaugnay ng Mamasapano clash.
 

Show comments