^

Bansa

Forensic DNA Databank isinulong ni Rep. Villar

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpasa ng panukalang magtatatag ng Forensic DNA Databank si Las Piñas Congressman Mark A.Villar para makatulong sa pagpapabilis ng reso­lusyon at imbestigasyon ng mga krimen.

Sa panukala, ipinaliwanag ni Villar na ginawang posible nang pag-unlad ng teknolohiya at agham ang pagkilala sa kahit anong organismo sa pamamagitan lamang ng DNA. Ang mga development na ito ay ang kasagutan sa pagpapahusay ng criminal justice system sa bansa.

Ipinaliwanag din sa panukala ang kahalagahan ng DNA – “the totality of an individual’s DNA is unique for the individual, except identical twins.”

“Sa mga pinakamauunlad na bansa, kinikilala ang kahalagahan ng DNA technology sa paninigurado ng hustisya at ng accuracy sa justice system. Wala akong maisip na dahilan kung bakit hindi dapat sumunod sa kanilang bakas ang ating bansa,” sabi ni Villar.

Ayon kay Villar, ang mga panuntunan natin na sinauna pa ay hindi sinusuportahan ang DNA bilang paraan ng pagkilala sa mga biktima o sa kriminal. Idinagdag niya na ang mga lumang batas natin ay nagpabagal sa pagsibol ng estado ng evidence gathering sa bansa.

Nais itatag ng panukala ang DNA Databank. Sa DNA Databank ilalagay ang mga DNA samples at lahat ng impormasyon na makakatulong sa criminal justice system. Doon din gagawin ang forensic analysis na makakatulong sa pag-match ng DNA samples sa mga suspek o biktima.

Maliban sa pagpapabuti ng criminal justice system, ang isa pang layunin ng DNA Databank ay ang makatulong sa pagkilala sa mga biktima ng kalamidad. Isa pa ay ang maipawalang-sala ang mga napagbintangan ng krimen.

AYON

CONGRESSMAN MARK A

DNA

IDINAGDAG

IPINALIWANAG

ISA

LAS PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with