Probe team vs Mamasapano clash
MANILA, Philippines – Bubuo ang Department of Justice ng lupon na mag-iimbestiga sa pagkamatay ng 44 SAF sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, inatasan siya ni Pangulong Aquino na bumalangkas at magsampa ng kaso laban sa mga taong nasa likod ng pagkamatay ng 44 SAF commandos.
Kabilang sa team ang National Prosecution Service (NPS) at National Bureau of Investigation (NBI) na susuri sa mga makakalap na ebidensya.
Sinabi ni de Lima na personal niyang pangangasiwaan ang lupon na makikipag-ugnayan din sa Board of Inquiry (BOI) ng PNP.
Mangangalap din anya sila ng mga ebidensya bukod pa ang magmumula sa PNP at AFP at maging sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Samantala, itinakda na ng Kamara sa Miyerkules ang imbestigasyon sa Mamasapano incident.
Kabilang sa ipapatawag ng komite sina suspended PNP Chief Alan Purisima, tagapagsalita ng US Embassy, kinatawan ng MILF, DILG Sec. Mar Roxas at kinatawan mula sa MNLF.
- Latest