Abogado ni Revilla nagbitiw
MANILA, Philippines - Nagbitiw na sa kanyang tungkulin bilang abogado ni suspended Sen. Bong Revilla si Atty. Joel Bodegon para sa kasong plunder at graft ng mambabatas na may kinalaman sa pork barrel scam.
Gayunman, tikom ang bibig ni Bodegon kung ano ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.
Inaasahan naming papalit kay Bodegon si dating Justice Usec. Ramon Esguerra bilang abogado ni Revilla.
Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder at 16 counts ng graft sa Sandiganbayan First Division bunsod ng umano’y pag-kickback sa P224.5 milyon mula sa kanyang PDAF nang maglaan ng pondo sa pekeng NGO ni Janet Napoles.
Limang buwan nang nakakulong si Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City at patuloy na hinihiling sa graft court na siya ay mapayagan na makapagpiyansa kaugnay ng kanyang kaso.
- Latest