Labi ng 42 PNP-SAF dumating na sa Villamor

MANILA, Philippines — Dumating na ngayong Huwebes sa Villamor Airbase ang bangkay ng mga nasawing miyembro ng Philippine National Police-Special Actions Force (PNP-SAF).

Inilipad ng Philippine Air Force C130 planes ang 42 bangkay mula ng Maguindanao.

Dalawa sa mga nasawi ang inilibing na alinsunod sa paniniwala ng mga Muslim.

Umabot sa 44 miyembro ng SAF ang nasawi matapos makaengkwentro ang mga miyembeo ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Mamasapano, Maguindanao nitong Linggo.

Dadalhin ang mga bangkay sa multi-purpose gymnasium ng Camp Bagong Diwa.

Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang Enero 30 bilang national day of mourning para sa mga nasawing SAF.

Show comments