MANILA, Philippines – Nangangamba ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa umano’y posibleng manipulasyon ng mga pulitiko o mga trapo ang Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dapat na igalang ng mga pulitiko ang batas na lumikha sa SK na pangunahing layunin ay ihanda ang mga kabataan na maging mabuting lider ng bansa sa hinaharap at dapat na maging non-partisan.
Umaasa ang Arsobispo na mananaig ang demokrasya sa isasagawang SK elections at hindi magpapagamit ang mga kabataan sa mga pulitiko.