^

Bansa

DFA Secretary biyaheng Saudi para makiramay sa pagpanaw ni King Abdullah

Ellen Fernado - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tumulak kahapon sa Saudi Arabia si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario upang personal na makiramay at ipaabot ang pakikiramay ng Pilipinas sa pagpanaw ni Saudi King Abdullah bin Abdulaziz.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), magsisilbing kinatawan ni Pangulong Aquino si del Rosario upang makiramay.

Ang pamahalaan ng Saudi mula sa pamumuno ni Saudi King Abdullah ang naging daan upang masagip sa bitay ang ilang overseas Filipino workers na nalagay sa death row kabilang na ang napalayang si Dondon Lanuza.

Si Lanuza ay nabigyan ng malaking halaga ng Saudi government para sa kanyang blood money upang tuluyang mailigtas sa takdang pagbitay hanggang sa makalaya at makabalik sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Nabatid na tinatanaw ng malaki ng Pilipinas ang mga tulong ng Saudi King at sa kagandahang loob nito para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino na nasa kingdom.

Bukod sa Pilipinas, nagpahatid na rin ng pakikiramay ang iba’t ibang bansa maging si US Pre­sident Barack Obama.

vuukle comment

BARACK OBAMA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DONDON LANUZA

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

SAUDI ARABIA

SAUDI KING

SAUDI KING ABDULLAH

SI LANUZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with