Takbo ng MRT pabibilisin
MANILA, Philippines – Pabibilisin na ang takbo ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ng mula 40 kilometers per hour (kph) ay gawin itong 60 hanggang 65 kph.
Ayon kay Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya, umaasa silang sa ikaapat na quarter ng taon ay maibalik nila ang speed ng mga tren para sa mas mabilis ring serbisyo sa mga mananakay.
Papalitan rin nila ang ‘obsolete’ na signaling system ng MRT-3.
Tiniyak din ni Abaya na sisimulan nila ang rehabilitasyon sa railway ng train system ngayong taong ito.
Maglalagay rin ang DOTC ng mga bagong escalator at elevator sa mga MRT stations para maging kumbinyente ang mga pasahero.
Sa Agosto 2015 inaasahang darating sa bansa ang prototype na bagong MRT coach.
Una nang pinabilis ang takbo ng Light Rail Transit (LRT) na mula sa dating 40 kph ay ginawa ring 60 kph.
- Latest