Tax evasion vs 'Binay dummy'

MANILA, Philippines – Nahaharap sa tax evasion case si Chinese-Filipino businessman Antonio "Tony" Tiu, ang sinasabing dummy ni Bise Presidente Jejomar Binay.

Nagsampa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P73.74 milyon tax evasion case laban kay Tiu ngayong Huwebes.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares, hindi idineklara ng tama ni Tiu ang kanyang kinikita noong 2008, habang hindi naman siya naghain ng Income Tax Return noong 2013.

Lumabas sa imbestigasyon ng BIR nag-invest si Tiu ng P53.5 milyon na shares of stock sa Agrinurture Incorporated at Tiu Peck and Sons Holding Incorporated noong 2008, ngunit tanging P800,000 na income lamang ang kanyang idineklara sa kaparehong taon.

Si Tiu ang umangkin na nagmamay-ari ng umano'y hacienda ni Binay sa Rosario, Batangas, ngunit bigo siyang mapatunayan ito.

 

Show comments