CebuPac nag-sorry sa nakanselang flights
MANILA, Philippines - Humingi ng paumanhin at inako ng pamunuan ng Cebu Pacific ang kanilang pagkukulang sa serbisyo nito noong kapaskuhan partikular na noong Disyembre 24, 25 at 26.
Sa pagharap sa pagdinig ng House Committee on Transportation ni Lance Gokongwei, President and CEO ng CebuPac, aminado itong nabigo nila ang mga pasahero. Anim pa naman anya sa bawat 10 air passengers ang sumasakay sa kanila.
Sinabi ni Gokongwei na malaki ang kanilang naging pagkukulang sa serbisyo at isa sa naging dahilan nito ang matinding absenteeism o pagliban ng kanilang mga empleyado kaya kakaunti lang ang ground handlers noong holiday season.
Gayunman matapos anya ang aberya, umaksyon din ang pamunuan ng CebuPac para mapabuti ang serbisyo.
Sinabi ni Gokongwei na inayos na ang problema sa mga empleyado para maiwasan ang absenteeism at nagpapatupad na rin sila ng 24/7 management control monitoring. Masusi rin ang kanilang koordinasyon sa airport authorities at may isang airbus nang darating para magamit anumang oras sa anumang destinasyon sakaling kailanganin. (Butch Quejada/Gemma Garcia)
- Latest