Eroplano ng gov't officials sumadsad sa Tacloban runway

MANILA, Philippines – Isang pribadong eroplano na sakay ang 11 opisyal ng gobyerno ang sumadsad sa runway ng Tacloban airport bandang ala-1 ng hapon ngayong Sabado.

Ayon sa mga ulat, ligtas ang mga opisyal kabilang sina Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. at Communications Secretary Sonny Coloma.

Sinabi ni Rodante Joya, deputy director ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa dzBB na nawalan ng kontrol ang eroplano dahil sa lakas ng hangin dulot ng bagyong “Amang.”

Naganap ang insidente ilang minuto lamang matapos lumipad ang Santo Papa pabalik ng Maynila.
 

Show comments