Mga isasarang kalye ngayon

Si Pope Francis nang dumaan sa Roxas Boulevard at Quirino Ave. ang kanyang motorcade kagabi. (Edd Gumban)

MANILA, Philippines - Para na rin sa ka­alaman ng publiko lalu na ng mga motorista, inabiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga isasarang kalsada ngayong araw ng Bi­yernes  (Enero 16).

Ayon sa MMDA, alas-9:00 ngayong umaga inaasahang aalis si Pope Francis mula sa Apostolic Nunciature patu­ngong Malacañang at alas-9:15 ang inaasahang dating nito sa Malacañang.

Kaya’t alas-6:00 pa lamang ng umaga ay isa­sara na ang mga sumusunod na mga lugar: Taft Avenue; President Quirino Ave.; Nag­tahan; JP Laurel gayundin ang Quirino Ave; Roxas Blvd; P. Burgos; Finance Road; Ayala Blvd; P. Casal at Gen. Solano.

Mula Malacañang, tutungo naman si Pope Francis sa Manila Cathedral para pangunahan ang isang misa. Alas-10:45 aalis ito sa Malacañang at alas-11:00 inaasahang nasa Manila Cathedral. Dahil dito, mula alas-8:00 ng umaga ay sarado na ang Gen. Solano; P. Casal; Ayala Bridge; Finance Road; P. Burgos Ave.; Bonifacio Drive; Anda Circle; Andres Soriano Jr. Avenue.

Gayundin ang JP Laurel St., Nagtahan Bridge: Guazon Avenue; UN Avenue: Maria Orosa; Finance Road at General Luna St.

Alas-5:00 naman ng hapon ay aalis si Pope Francis patungong SM Mall of Asia para sa pulong kasama ang mga pamilyang Pilipino.

Kabilang sa mga isasarang kalsada mula alas-2:00 ng hapon ay ang mga sumusunod: Taft Avenue; Quirino Avenue; Roxas  Blvd; EDSA; Mall of Asia at J. W. Diokno patungong destinasyon. Gayundin  ang P. Ocampo at Bukaneg.

Show comments