MANILA, Philippines - Dalawampu’t anim (26) na aircraft kabilang ang MG520 helicopter gunships ang inihanda na ng Philippine Air Force (PAF) para magsagawa ng ‘air mission’ kaugnay ng 5 day visit ni Pope Francis na darating na ngayon sa bansa.
Ayon kay PAF spokesman Lt. Col. Enrico Canaya, iba’t ibang uri ng aircrafts kabilang ang S211 trainer jets, MG520 at UH-IH helicopter gunships, helicopter at maging ground base anti-aircraft guns ang kanilang inihanda sa makasaysayang event ng papal visit.
Ang nasabing mga aircraft ay nakahanda sa mga ‘emergency situation’, giit ni Canaya.
Sinabi ni Canaya na dahil pinaiiral ang no fly zone ay mahigpit na babantayan ang mga overflyers para sa seguridad ng Santo Papa.