^

Bansa

Problema sa kahirapan ‘di itinatago kay Pope - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Malacañang na itinatago nito kay Pope Francis ang tunay na kalagayan ng mahihirap na Filipino.

Ito’y matapos sabihin ni Bagong Alyansang Ma­kabayan (Bayan) Secretary-General Renato Reyes na sa paglalatag ng matinding seguridad sa Papal visit, hindi makikita ng Santo Papa ang kabuuan ng problema ng bansa tulad ng kahirapan, katiwalian at paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, walang batayan ang akusasyon lalo’t mismong ang Simbahan at hindi ang pamahalaan ang pumili ng mga taong makakaharap at makakausap ni Pope Francis.

Sinabi ni Coloma na kailangan ang paglalatag ng matinding seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng Santo Papa.

Samantala, pinag-aaralan pa ng Malacañang kung ‘papatayin’ nito ang signal sa cellphones sa mga lugar na may aktibidad si Pope Francis upang masiguro ang kaligtasan nito.

AYON

BAGONG ALYANSANG MA

COMMUNICATIONS SEC

MALACA

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SECRETARY-GENERAL RENATO REYES

SONNY COLOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with