65% kuntento kay Binay – SWS

MANILA, Philippines – Muli na namang nangibabaw si Vice President Jejomar Binay matapos na makakuha ng pinakamataas na rating sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon kay Atty. Pacio-Quicho, vice presidential spokesperson for political affairs, nagpapakita lamang na sa nakuhang rating ni Binay ay hindi umubra ang mga paninira ng mga kalaban nito sa pulitika at nananatili ang tiwala at suporta ng mamamayang Pilipino sa Bise Presidente.

“The result of the recent SWS survey clearly indicates that Vice President Jejomar C. Binay has still the continued trust and full support of the Filipino people despite the intensified campaign of lies and pattern of deceit waged by his political detractors in the Senate to discredit his accomplishments and track record as a proven public servant,” ani Quicho.

Nagpapakita rin sa nasabing survey na mas nakakalamang pa rin si Binay sa ibang mga opisyal ng gobyerno na maaaring pumalit kay President Noynoy Aquino bilang Pangulo ng bansa sa 2016 at nakapagtala ng 37 porsyento ng mga boto.

Ikinagalak naman ni Binay ang kumpiyansa at patuloy na tiwala ng taumbayan sa kabila umano ng kaliwa’t kanang “smear campaign” at matitinding akusasyon sa kanya at pamilya nito.

Ayon kay Quicho, naniniwala si Binay na ang ginagawang paninira ng mga kalaban nito sa pultika ay malapit nang matapos at karamihan sa mamamayang Pinoy ay maliliwanagan na hindi matatakpan ng kasinungalingan ang katotohanan.

“The Vice President remains firm that the allegations being hurled against him are baseless and bereft with any merit, which would not stand in an impartial and fair judicial scrutiny,” ani Quicho.

Sa kabila nito, nakatuon aniya ang Bise Presidente sa kanyang pangako na tulungan at maibigay ang pangangailangan ng mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

Show comments