UNA: Cayetano ‘tsismoso’ Pag-IBIG Funds dinamay
MANILA, Philippines - Kinutya ng United Nationalist Alliance (UNA) ang pagkaipokrito umano ni Senador Alan Peter Cayetano sa maling paratang niya na gagamitin umano ni Vice President Jejomar Binay para sa mga political advertisement nito ang pondo ng Pag-IBIG o Home Mutual Development Fund.
Sinabi ni UNA interim president Toby Tiangco na lumalabas si Cayetano sa mga political ads gamit ang Taguig kahit hindi siya ang alkalde ng lunsod. Tinayang umabot sa P500 milyon ang nagastos sa political ad ni Cayetano. Pero hindi umano inaamin ng senador kung sino ang nagbabayad sa ads at kung ginamit dito ang pondo ng Taguig.
Napatunayan din anyang tsismis lang ang paratang ng senador dahil pinabulaanan ito ni Pag-IBIG President Darlene Berberabe na nagsabi pa na ayaw ng Bise Presidente na lumabas ito sa mga advertisement ng ahensiya.
“Sa Taguig nakita ng COA na may malinaw na overpricing. At dahil alam naman ng lahat na siya ang talagang nagpapatakbo ng Taguig, yan ay kagagawan nyang lahat. Ngayon ang akala ni Sen. Cayetano lahat ng taga-gobyerno gaya nya kaya inaakusahan nya ang iba kahit walang katotohanan,” sabi pa ni Tiangco.
“No less than the Commission on Audit uncovered these shocking anomalies in its audit report. These are adverse findings of overpricing, missing inventories, ghost employees, overpayment. How can Cayetano reconcile these actual and verified audit findings with his TV ad message? That’s false advertising. Niloloko nya ang taumbayan gaya ng panloloko na ginagawa nila sa Senado sa kanilang mga kasinungalinan laban sa Bise Presidente,” sabi pa niya.
- Latest