^

Bansa

Trillanes walang balak mag-sorry kay Binay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit ni Senador Antonio Trillanes IV ngayong Huwebes na kumita si Bise Presidente Jejomar Binay gamit ang Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund).

Dahil dito ay walang planong mag-public apology si Trillanes sa kabila ng panawagan ng kampo ni Binay na mag-sorry ito sa Bise Presidente at sa Pag-IBIG fund dahil sa walang basehang akusasyon.

"They won't get an apology from me," wika ni Trillanes sa panayam niya sa ABS-CBN New Channel.

Kaugnay na balita: Binay kay Trillanes: Mag-sorry ka

Si Binay ang kasalukuyang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), habang ang hipag ng kanyang chief of staff na si Darlene Berberabe ang Pag-IBIG Fund president at chief executive officer.

Hiniling ng bagong tagapagsalita ni Binay na si Rico Quicho kay Trillanes ang paghingi ng paumanhin sa pagdawit kay Binay at kay Berberabe.

"Any explanation or defense coming from spokesmen should not count. The Vice President himself should face the people," wika ni Trillanes.

Sinabi ng senador na mayroon siyang ebidensya upang idiin si Binay na ginamit umano ang kapangyarihan para makapamili ng contractors sa housing project ng HUDCC.

"The Vice President used his position as the head of HUDCC for his own personal interest," aniya.

 

BINAY

BISE PRESIDENTE

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

DARLENE BERBERABE

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

NEW CHANNEL

PAG

TRILLANES

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with