162 na biktima ng paputok
MANILA, Philippines – Umakyat na sa 162 ang bilang ng firecracker-related injuries, ayon sa Department of Health (DOH) ngayon Martes.
Base sa Action Paputok Injury Reduction update, 160 sa naturang bilang ang naputukan, habang dalawang katao ang nakalunok ng paputok.
Karamihan sa mga naputukan ay pawang mga lalaki na may edad tatlo hanggang 68, kung saan ang lungsod ng Maynila ang may pinakamaraming bilang na 27.
Ani, sa mga biktima ang naputulan ng daliri, habang 31 ang naapektuhan ang mga mata, ayon pa sa DOH.
Nangunguna pa rin na sanhi ng firecracker-related injury ang ipinagbabawal na paputok na piccolo.
Wala pa namang naitatala ang DOH na nasawi dahil sa paputok at sa ligaw na bala.
Sa kabila ng malaking bilang, mababa pa rin ito ng 29 porsiyento kumpara noong 2009 hanggang 2013.
- Latest