Sec. Soliman, handang magbitiw sa puwesto
MANILA, Philippines – Sinabi ni Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman na handa siyang magbitiw sa kanyang puwesto oras na iutos ito ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ang pahayag ay ginawa ni Soliman sa panawagan ng womens group na Gabriela at ng ABAKADA partylist kasunod ng report ng Commision on Audit (COA) na marami ang nakakuha ng cash benefits pero hindi naman kabilang sa mahirap na pamilyang Pilipino.
Aniya, para patotohanan na walang naganap na anomalya sa proyektong ito ng ahensiya ay nakahanda siyang humarap sa anumang imbestigasyon.
Binigyang diin ni Soliman na kung nakakaapekto na sa ahensiya ang mga ginagawa at sa tingin ng Malakanyang ay dapat nang lisanin ang puwesto ay agad niya itong gagawin.
Una nang nanindihan si Soliman na ang mahigit sa 364,000 beneficiaries ng Conditional Cash Transfer (CCT) program ng gobyerno na iniulat ng COA na nawawala sa database entries ay pawang accounted ng ahensiya.
Ang 256,663 na mga beneficiaries ay wala sa National Housing Targeting System (NHTS) database dahil bahagi sila ng modified CCT program ng ahensiya na ang sakop nitong mga pamilya ay nasa kalsada na walang bahay at mga indigenous people.
- Latest