LPA pumasok na sa PAR
MANILA, Philippines - Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang isang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Pagasa.
Alas-10 ng umaga kahapon, ang LPA ay namataan sa layong 860 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon kay Chris Perez, weather forecaster ng Pagasa, ang LPA ay magdudulot ng pag-uulap ng kalangitan na may mahina hanggang sa malakas na pag-uulan sa buong Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.
Bunga nito, binalaan ng Pagasa ang publiko at ang disaster risk reduction and management councils sa nabanggit na mga lugar na maghanda at mag-ingat sa epektong dala ng LPA.
Samantala, maaliwalas naman ang panahon sa Luzon partikular sa Metro Manila.
- Latest