^

Bansa

Anti-political dynasty bill ipapasa

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malaki ang pag-asang maipasa sa Kamara ang isa pang kontrobersyal na panukalang batas na Anti-political dynasty bill kahit pa marami sa mga kongresista ang maapek­tuhan nito.

Ito ay dahil natapos na ang debate at interpelasyon sa mara­ming panukalang ito na napakatagal inalikabok at naupuan sa maraming nagdaang kongreso.

Sinabi ni House Majo­rity Leader Neptali Gonzales, uumpisahan na nila ang period of amendments para maipasok na ang mga amyendang mula sa kongresista at House Committee on Suffrage and Electoral Reforms.

Kung hindi naman umano ito matapos bago ang Christmas break ay inaasahang matatalakay ito sa muling pagbabalik ng sesyon sa Enero.

Ito ang tanging pagkakataon na naabot ng anti-political dynasty bill ang puntong pinakamalapit sa approval ng Kamara.

Base sa ilalim ng pa­nukala, hanggang se­cond degree of consangui­nity ang hindi papayagang magkakasabay na tumakbo sa eleksyon.

Sa pagtaya naman ng chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na si Capiz Cong. Fredinil Castro, aabot ng 150 kongresista ang maaa­ring maapektuhan ng Anti-Political Dynasty bill sakaling maisabatas ito.

ANTI-POLITICAL DYNASTY

CAPIZ CONG

FREDINIL CASTRO

HOUSE COMMITTEE

HOUSE MAJO

KAMARA

LEADER NEPTALI GONZALES

SUFFRAGE AND ELECTORAL REFORMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with