MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Philippine National Police (PNP) sa sinumang gagamit ng illegal na paputok, paggawa, pagbebenta nito, pyrotechnics devices at maging ang mga masasangkot sa indiscriminate firing.
Ayon sa PNP, lubhang peligroso ang mga paputok na naglalaman ng mga pulburang higit sa .2 gramo o mahigit sa 1/3 kutsara dahil maari itong makamatay at matinding makapinsala.
Bukod sa mga dati ng malalakas na paputok na kilalang notoryus sa bagsik gaya ng piccolo at pop-up ilang mga bagong pangalan din ng paputok ang nagsisilitawan ngayon. Kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ay ang Goodbye Philippines, pla-pla, super bawang, judas belt, Binladen at iba pa.
Generic name naman ng mga nasa 3rd sex ang lumilitaw na mga bagong matitinding paputok ngayon.
Maaring ipagbigay alam ang sumbong na may kaugnayan sa mga ipinagbabawal na paputok at indiscriminate firing sa PNP hotline 0917 847 5757 o sa twitter account @pnphotline.