P30M para sa Bilibid maximum compound renovation – De Lima

File photo ni Justice secretary Leila de Lima. Philstar.com/AJ Bolando

MANILA, Philippines — Humingi ng P30 milyon si Department of Justice Secretary Leila de Lima sa Department of Budget and Management para sa pagsasaayos ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison kasunod nang isinagawang raid sa marangyang selda ng mga preso.

Ilalaan ang naturang pondo sa pagpapagawa ng Building 14, kung saan ikukulong ang mga high-profile inmates, hiwalay sa iba pang preso.

"I called up [Budget] Secretary [Florencio] Abad to follow up the funds for the renovation of Building 14 where drug inmates will be placed so they can be guarded closely," pahayag ni De Lima ayon sa ulat ng Philippine News Agency.

Bakante ang naturang gusali ngunit hindi pa tapos ang pagpapagawa dito dahil sa kulang na pondo.

Mula 50 hanggang 100 preso ang maaaring ilipat sa Building 14, kung saan kasama ang 19 drug lords na may marangyang buhay sa loob na Bilibid.

Show comments