^

Bansa

High-profile inmate, nag-shoot ng music video sa loob ng Bilibid

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagawa pa ng isa sa mga high profile inmate na si Herbert Colanggo ang kanyang music video sa loob ng New Bilibid Prison.

Sa YouTube page ni Colanggo, nakita ang video nito ng awiting “Pa’no ‘Yon” na napansing kinunan sa nadiskubreng music studio nito.

Una nang naiulat na nasa loob mismo ng kubol ni Colanggo ang naturang music studio, at mayroon pa itong sariling opisina roon.

Ikinatwiran ng inmate na donasyon ng kanyang mga kaanak ang natagpuang cash sa kanyang mga vault habang ang mamahaling appliances ay regalo ng tiyuhing kongresista.

Si Colanggo ay convicted robbery gang leader na sinentensyahan ng 12-14 taong pagkakulong mula 2009.

Pero nakapag-release pa ito ng album nitong Marso 2014 at carrier single.

Sa nakalipas na PEP report, sinabi ni Colanggo na gusto niyang maging inspirasyon sa mga kapwa-preso para pagyamanin ang kakayahan at talento kahit nasa loob ng Bilibid.

vuukle comment

BILIBID

COLANGGO

HERBERT COLANGGO

IKINATWIRAN

MARSO

NAGAWA

NEW BILIBID PRISON

PERO

SI COLANGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with