Pagpasok ng appliances sa Bilibid may basbas ng NBP

MANILA, Philippines - May basbas ng New Bilibid Prisons ang pagpasok ng appliances at iba pang electronic items sa loob ng bilangguan.

Sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima na pinakamaraming inaprubahan noong 2013 si P/Supt. Venancio Tesoro kabilang ang ilang aircon, TV, computer at apat na unit ng electric bike o scooter. Wala na si Tesoro sa Bilibid matapos ilipat sa Davao Penal Colony.

Si Deputy Supt. Celso Bravo ang nag-apruba ng pagpasok ng 36-inch TV at iba pang appliances ni convicted drug lord Vicente Sy. Si Bravo rin ang nag-apruba ng aircon ni inmate Enrique Gatdula.

Si Supt. Roberto Rabo naman ang nag-approve ng computer ng inmate na si Ricky Bautista.

Idadagdag sa mga ikakaso sa mga bilanggo ang mga nasamsam sa kanilang mga kontrabando partikular ang pera, droga at mga armas. 

Hanggang Sabado ang ibinigay na taning ng kalihim para mabaklas ang kubol sa NBP.

Show comments