^

Bansa

Singil sa kuryente, bawasan – ERC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga distribution utility at mga koope­ratiba na bawasan pa ang kanilang singil sa kuryente, bunsod na rin ng sunud-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay ERC Executive Director Atty. Francis Juan, walang dahilan para hindi bumaba ang singil sa kuryente, lalo na kung diesel o langis din ang panggatong na ginagamit ng mga power plant.

Ipinaliwanag ni Atty. Juan, kung ang pasahe sa mga jeepney ay binawasan na ng P1 at ginawang P7.50 na lamang kaya’t dapat ring magbaba ng singil ang mga distribution utility at mga kooperatiba.

Sinabihan na aniya ng ERC ang mga distribution utility at kooperatiba kaugnay nito.

Nabatid na maraming power plant sa Luzon ang gumagamit ng langis sa kanilang operasyon upang tumakbo kaya’t nagtataas ang mga ito ng singil kapag tumataas din ang presyo ng petrolyo.

AYON

ENERGY REGULATORY COMMISSION

EXECUTIVE DIRECTOR ATTY

FRANCIS JUAN

INATASAN

IPINALIWANAG

LUZON

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with