Magulang binalaan sa internet lingo ng anak

MANILA, Philippines - Sa gitna ng tumataas na bilang ng mga nabibiktima ng human trafficking, binalaan kahapon ni Senator Loren Legarda ang mga magulang na subaybayan ang mga anak na kadalasang nagbababad sa internet lalo pa’t marami nang  mga ‘internet lingo’ ang may ibang kahulugan.

Ibinunyag ni Legarda sa kanyang privilege speech na ang numerong otso (8) ay hindi lamang nangangahulugan ng bilang na walo dahil na­ngangahulugan rin ito ng oral sex.        

Nagtalumpati kahapon si Legarda kaugnay sa pag-obserba ng buong mundo sa International Day Against Human Trafficking noong nakalipas na Disyembre 12.

Maaari aniyang marami na ang nakakaalam ng ibig sabihin ng “LOL” o laughing out loud at 143 o I love you, pero mayroon aniyang ibang salita na hindi alam ng mga magulang.   

“Does anyone in this chamber know what the number 8 means in internet lingo? We may be familiar with 143 which means I love you and LOL which means “laughing out loud,” ani Legarda.

Bagaman at parang “harmless” aniya ang numero 8, pero para sa mga hindi nakakaalam na mga magulang, ang ibig sabihin nito ay “oral sex”.  “The message “let’s try 8” would seem harmless to an unknowing parent, until that parent realizes that in internet lingo, the number “8” means “oral sex,” ni Legarda.

Idinagdag nito na bagaman at  maraming natututunan sa internet pero hindi rin dapat kalimutang kailangan na mag-ingat ang lahat dahil nagagamit din ito upang malagay sa panganib ang mga kabataan.

“With the Internet allowing communication to cross national borders in a matter of seconds, everything is now within reach, and even human trafficking can now be done online through cyber sex trafficking,” ani Legarda.

 

Show comments