MANILA, Philippines — Tumanggi nang hawakan ng tatlong mahistrado ng Sandiganbayan ang kasong pandarambong ni Senador Jinggoy Estrada
Sa sulat nina Fifth Division Associate Justices Roland Jurado, Alexander Gesmundo at Maria Theresa Dolores Gomez-Estoesta kay Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, “personal reasons” ang idinahilan nila sa pagbitaw sa kaso ni Estrada.
"May we request for our recusal in the above-indicated criminal cases for personal reasons," nakasaad sa liham na may petsang Disyembre 10.
Nahaharap sa kasong pandarambong at 10 counts ng graft si Estrada dahil sa kaugnayan sa pork barrel scam.
Ililipat sa ibang division ng anti-graft court ang kaso oras na aprubahan ang kanilang pagbitaw sa kaso.