^

Bansa

‘Militarisasyon’ sa paaralan bawal - DepEd

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang eskwelahan, pribado man o pampubliko, ang magpapahintulot sa pagpasok ng kahit sinumang armadong indibidwal o grupo.

Ito ang inihayag kahapon ni Education Secretary Armin Luistro hinggil sa presensya ng militar sa ilang paaralan sa Mindanao.

Aniya, nakasaad sa DepEd Memorandum 221 na may titulong “Guidelines on the Protection of Children During Armed Conflict,” na inisyu noong 2013, hindi pinapayagan ang mga armadong indibidwal na pumasok sa bisinidad ng mga paaralan, batay sa mga guidelines na nakasaad sa memo.

Ayon sa Kalihim, ang DepEd ay kaisa ng mga protesters sa concern ng mga ito para sa kaligtasan ng lahat ng mga tao sa loob ng paaralan.

Nanindigan din si Luistro na ang mga paaralan ay ‘zones of peace’ kaya’t walang armed personnel na dapat manatili sa mga school grounds dahil mala­lagay lamang sa panga­nib ang mga mag-aaral.

Hindi rin aniya pinapayagan ang military operations at engagements sa loob ng paaralan, maliban na lamang sa civil-military activities tulad ng Brigada Eskwela at Medical Missions.

“Pati nga po pulis, hindi basta puwedeng pumasok sa eskwelahan. May programa dapat yan, walang baril,” pahayag pa ni Luistro. (Mer Layson)

 

ANIYA

AYON

BRIGADA ESKWELA

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

LUISTRO

MEDICAL MISSIONS

MER LAYSON

PROTECTION OF CHILDREN DURING ARMED CONFLICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with