^

Bansa

‘No bail’ kay Bong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan ang petisyon nina Sen. Bong Revilla, Janet Napoles at Richard Cambe na makapagpiyansa upang pansamantalang makalaya para sa kasong  plunder na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Sa 71-pahinang desis­yon na pirmado ni Sandiganbayan First Division Associate Justice Efren dela Cruz, mayroon anyang malakas na ebidensya ang prosekusyon laban sa tatlo kung saan sila umano ay nagsabwatan para maganap ang plunder na nasa ilalim ng Republic Act 8090.

Gayunman, nilinaw ng 1st Division na ang natu­rang desisyon kaugnay sa bail hearing ng mga akusado ay hindi nangangahulugan ng pre-judgement sa merito ng kaso laban sa tatlo na madedetermina lamang matapos ang full blown trial.

Sina Revilla at Cambe ay pawang nakadetine sa PNP Custodial Center sa Camp Crame habang si Na­poles, ang umano’y utak ng pork barrel scam, ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Kasama rin sa humirit na makapagpiyansa sina John Raymund de Asis at Ronald John Lim, kapatid ni Napoles.

Samantala, disma­ya­do naman si Revilla sa pagbasura sa kanyang bail petition. Hindi anya ito ang kanilang inaasahang ibababa ng anti-graft court lalo na anya kung ikokonsidera ang katotohanan at ebidensiya.

Sa kabila nito, sinabi ni Revilla na hindi pa tapos ang laban.

BONG REVILLA

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

CUSTODIAL CENTER

JANET NAPOLES

JOHN RAYMUND

REPUBLIC ACT

REVILLA

RICHARD CAMBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with