NBP aalisan ng cellphone signals
MANILA, Philippines – Mistulang kinatigan kahapon ng Malacañang ang panukala ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tanggalin ang cellphone signals at mga cellphone sa National Bilibid Prison (NBP) upang maiwasan ang transaksiyon ng ilegal na droga.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, “sound” ang nasabing proposal ni DILG Sec. Mar Roxas bagaman at ipapaubaya nila kay Justice Sec. Leila de Lima ang desisyon.
Ang Bureau of Corrections ay nasa ilalim ng DOJ.
Aminado si Valte na “cause of concern” para kay Pangulong Aquino ang nangyayaring transaksiyon ng mga sindikato ng ilegal na droga kahit nakakulong na ang mga ito.
Pero hindi anya tino-tolerate ng gobyerno ang transaksiyon ng ilegal na droga at kailangang paigtingin pa ang kampanya laban dito.
- Latest