^

Bansa

Pope visit ’di magastos

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siniguro ng Mala­cañang na hindi magiging maluho at magastos ang gagawin ng Pilipinas sa pagbisita ni Pope Francis sa Enero 2015.

Ayon kay Deputy Presidential Spokes­person Abigail Valte, ma­giging payak at hindi magarbo ang gagawing preparasyon ng Pilipinas sa pagbisita ng Santo Papa gaya na rin ng pa­ki­­usap­ ng Vatican.

Ang gagastusan lamang ng gobyerno ay ang mga pangangailangan sa gagawing preparasyon sa pagbisita ng Papa.

Nakatakdang bumisita sa bansa si Pope Francis sa Enero 15-19 ng su­sunod na taon at kabilang sa dadalawin nito ang mga biktima ng Yolanda sa Tacloban City.

Ipinaalala ng Vatican na huwag gawing ma­garbo at magastos ang preparasyon ng Pilipinas sa pagbisita ng Papa bagkus ay ilaan na lamang daw ito sa pagtulong sa mga biktima ng Yolanda.

Pero siniguro rin ng Palasyo ang pagpa­pa­tupad ng mahigpit na se­guridad ng Santo Papa sa pagbisita nito sa Maynila at Tacloban City.

ABIGAIL VALTE

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKES

ENERO

PILIPINAS

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SHY

TACLOBAN CITY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with