2013 dayaan kinumpirma
MANILA, Philippines – Nalagay sa hot water ang Commission on Elections dahil sa natuklasang electronic manipulation (e-Dagdag-Bawas) sa resulta ng eleksyon noong 2013 gamit ang Precint Count Optical Scanner (PCOS) na ibinenta ng Smartmatic.
Ito ang ibinunyag ng isang dating executive assistant ni dating Comelec Chief Jose Melo na si Atty. Melchor Magdamo patungkol sa mga digital lines na nakita sa mga balota na ginamit sa naturang halalan.
Kabilang umano sa nabiktima ng e-Dagdag Bawas sina Senador Aquilino Pimentel III at evangelist Eddie Villanueva.
Nabuking umano ang dayaan sa kasagsagan ng random manual audit na ginawa ng mga eksperto mula sa Department of Science and Technology (DOST) na hindi naman nagreklamo dahil huli na nang kanilang malaman ang anomalya nuong nakaraang taon.
“Tinangka nilang (Comelec) pagtakpan ang resulta,” sabi pa ni Magdamo na nagbanggit pa na kinuwestyon din ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ang awtoridad ng mga DOST officials nang ang technical report sa manual audit ay iprinisinta sa Senado nuong Disyembre matapos ang mga napabalitang iregularidad sa PCOS at count of votes.
Idinagdag pa ni Magdamo na posibleng ang resulta ng senatorial elections ay na-pre-programmed sa PCOS machines batay na rin sa report ng Technical Evaluation Committee na binubuo ng IT experts ng DOST.
Nadiskubre ng evaluation ang mga linya sa digital images ng counted ballots mula sa halos lahat ng counting machines na naging dahilan upang makompromiso ang bilangan ng boto ng mga senador sa pinakahuling halalan, ani Magdamo na co-convenor ng election watchdog group na Citizens for Clean and Credible Election (C3E).
Ang C3E ay kabilang sa mga nagsusulong para sa diskwalipikasyon ng Smartmatic sa bidding ng 23,000 dagdag na voting machines na gagamitin sa 2016 elections dahil sa mga paglabag umano sa automated election law.
Sinimulan na ng Comelec ang bidding process para sa P2-bilyong supply contract at refurbishment ng 83,000 PCOS machines.? Sinabi ni Magdamo na ang pagkakaroon ng digital lines ay may epektong electronic dagdag bawas kung saan idinagdag o ibinawas ang mga boto para sa isang kandidato.
Ibinilang na boto ang mga blankong bilog para sa isang kandidato sa oras na may natagpuang vertical lines sa electronic image ng balota at ito ay nagresulta sa dagdag na boto matapos lumitaw sa shaded ovals na magkakansela naman sa mga boto hanggang sa ang mga ito ay maibawas sa mga kandidato na ibinoto.
- Latest