^

Bansa

Akusado sa Maguindanao massacre pinayagang magpagamot sa ospital

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayagan ng QC court ang isang police officer na akusado sa Maguindanao massacre upang makapagpagamot sa ospital dahil sa mga iniinda nitong sakit.

Sa dalawang pahinang kautusan, inatasan ni QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes si Jail Senior Inspector Lloyd Gonzaga, warden ng QC Jail Annex na makipag-ugnayan sa Taguig Pateros District Hospital para sa takdang pagsasailalim sa ultrasound kay PO1 Sandy Sabang.

Sa kanyang urgent ex-parte motion, sinabi ni Sabang na batay sa ipinala­bas na medical certificate ng police doctor na si Sr. Insp. Jaime Cla­veria Jr. na siya ay may  nephrolithia­sis at dapat sumailalim sa gamutan sa pinaka malapit sa ospital.

Una rito, pinayagan din ni Judge Solis-Reyes ang prime suspect sa masaker na si Andal Ampatuan Sr. para magpagamot sa alinmang ospital sa Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, Veterans Memorial Medical Center at Philippine General Hospital (PGH) dahil kumpleto ito sa mga serbisyo ng mga cardiologist, nephrologist, pulmonologist at gastroe­nerologist.

 

ANDAL AMPATUAN SR.

JAIL ANNEX

JAIL SENIOR INSPECTOR LLOYD GONZAGA

JAIME CLA

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

JUDGE SOLIS-REYES

LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

PHILIPPINE HEART CENTER

SANDY SABANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with