^

Bansa

Hearing sa ICC, Malampaya funds itinakda sa Nob. 13

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinakda na sa Nobyembre 13 ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa sinasabing overpriced na Iloilo Convention Center o ICC kung saan nakakaladkad ang pangalan ni Senate President Franklin Drilon.

Ipapatawag sa nasa­bing pagdinig sina Department of Public Works and Highway Secretary Rogelio Singson, Tou­rism Secretary Ramon Jimenez at ang nag-file ng plunder case sa Office of the Ombudsman na si dating  Iloilo provincial administrator Manuel Mejorada.

Nagpasya si Sen. Teofisto Guingona na i-eskdyul ang pagdinig sa naturang kontrobersya makaraang isumite na nina  Singson, Jimenez at Mejorada ang mga dokumento na may kaugnayan sa ICC.

Ibabatay ng komite sa mga dokumento ang mga taong ipapatawag na resource persons.

Una rito, sinabi ni Drilon na mag i-inhibit siya sa hearing bilang isa sa mga kinasuhan ng plunder case pero nakahanda naman siyang humarap sa pagdinig oras na may mag-­request na direkta siyang sumagot sa naturang isyu.

Samantala, sa December 1 naman itinakda ang imbestigasyon sa Malampaya fund scam.

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAY SECRETARY ROGELIO SINGSON

DRILON

GUINGONA

ILOILO CONVENTION CENTER

MANUEL MEJORADA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SECRETARY RAMON JIMENEZ

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with