^

Bansa

Pag-demolish sa Anda Circle iimbestigahan ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kinauukulang komite sa Senado ang plano na i-demolish ang 440 taong Anda Circle Monument sa Intramuros, Manila upang maibsan ang trapiko sa nasabing lugar.

Sa resolusyon na inihain ni Santiago, sinabi nito na dapat silipin ng Senado ang balak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil bahagi ng history ng bansa ang Anda Circle Monument.

Nais ni Santiago na mag­pasa ng batas upang mas mabigyan proteksiyon ang historical at cultural heritage ng bansa.

Tinukoy ni Santiago na sa Article 2, Section 15 ng Konstitusyon, maliwanag ang nakasaad na mismong ang gobyerno ang dapat magsulong ng pagpa­panatili ng mga historical at cultural heritage ng bansa at maging ang mga “artistic creations”.

Sinabi ni Santiago sa kanyang resolusyon na lumabas sa mga ulat sa media noong nakaraang Setyembre na balak ng DPWH na tanggalin ang Anda Circle Monument at ilipat sa ibang lugar.

vuukle comment

ANDA CIRCLE MONUMENT

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

INTRAMUROS

KONSTITUSYON

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PINAIIMBESTIGAHAN

SENADO

SETYEMBRE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with