^

Bansa

Alert level 3 sa Yemen: Mga Pinoy pinalilikas!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy sa Yemen na magsilikas na kasabay ng tumitinding karahasan sa nasabing bansa.

Sa abiso ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, itinaas na ng DFA ang crisis situation doon sa  alert level 3 (voluntary repatriation) mula sa alert level 2 (restriction phase).

Pinapayuhan ang mga Pinoy na lisanin ang Yemen sa lalong madaling-panahon.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ang total deployment ban at sa lahat ng pagbiyahe sa Yemen kabilang na ang mga nagbabakasyon at ang mga nagbabalik na OFWs ay hindi rin pinapayagang bumalik sa Yemen.

Nagpadala na ang Embahada ng Crisis Management Team (CMT) sa Sana’a upang maiging i-monitor ang political at security situation doon at asistehan ang Filipino community.

Hinimok ng DFA ang mga Pinoy sa Yemen na magpa-rehistro para sa repatriation ng hanggang Nobyembre 30. Maaari ring magparehistro sa pama­magitan ng pagkuha ng registration form sa website ng Philippine Embassy sa Riyadh sa  www.riyadhpe.dfa.gov.ph.

 

CRISIS MANAGEMENT TEAM

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

HINIMOK

MAAARI

NAGPADALA

PHILIPPINE EMBASSY

PINOY

RIYADH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with