MANILA, Philippines – Inilunsad ng Philippine Postal Corporation ang kanilang bagong ID na mas ginagamit ng may 4 milyong Filipino.
Ayon kay Postmaster General Josefina dela Cruz, papalitan na ang lumang ID na gawa lamang sa papel at ipina-laminate.
Aniya, ang bagong ID ay tulad na rin ng drivers license, SSS ID, may holographic security image, digitally captured signature at picture na tinatanggap sa pagpapatupad ng 9/11 security standards.
Paliwanag ni dela Cruz, ang postal ID pa rin ang siyang pangunahin, madali at murang ID na makukuha ng Filipino na magagamit nila sa kanilang transaksiyon.
Ang pag-iisyu ng ID ay sisimulan ngayon buwan sa ilang mga post offices sa Metro Manila habang sa Enero naman sa buong bansa.