Ona pinagbakasyon ni Aquino

CALAMBA CITY, Laguna, Philippines—Inamin ni Pangulong Benigno Aquino III na pinagbakasyon muna nito si Health Sec. Enrique Ona kaugnay sa mga kinukuwestyon nitong mga programa ng Department of Health (DOH).

Magugunita na nagsumite ng kanyang leave si Sec. Ona sa Malacañang mula Oct. 28-Nov. 27 dahil umano sa ‘health at personal reasons’ kung saan ay itinalaga naman ni Pangulong Aquino si Health Usec. Janette Garin bilang officer in charge.

Nang tanungin ang Pangulo kung patuloy pa ba ang pagtitiwala nito kay Ona ay itinugon ni PNoy na hindi niya masasagot ito dahil may mga tanong siya kay Ona na hindi pa niya nasasagot.

Wika pa ng Pangulo, marami siyang mga tanong kay Sec. Ona particular sa vaccination issues, RITM issues etc.  ng DOH kaya upang makapaghanda siya sa mga tanong na ito sa kanya ay nagbakasyon muna siya.

 

Show comments