PNoy dumalaw sa puntod ng magulang

MANILA, Philippines – Dumalaw kahapon si Pangulong Benigno Aquino III kasama ang kanyang mga kapatid sa puntod ng kanilang mga magulang sa Manila Memorial Park. Bandang tanghali nang dumalaw si Pangulong Aquino kasama ang presidential sisters sa puntod ng kanilang mga magulang na sina dating Sen. Ninoy Aquino Jr. at dating Pangulong Cory Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City. Hindi nakisabay sa pamilya Aquino sa pagdalaw sa kanilang puntod noong Nobyembre 1. Kahapon lamang sila nag-alay ng bulaklak sa kanilang magulang. Sinamantala naman ng ilang dumadalaw sa sementeryo ang pagkakataon upang kunan nila ng larawan ang Pangulo at mga kapatid nito.

Show comments