^

Bansa

Pagsama ng P550 terminal fee sa airline tickets pinigil ng korte

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinatigil ng korte ng Pasay City ang pagpapatupad ng bagong kautusang isama na ang P550 terminal fee sa airline tickets sa lahat ng international passengers na kabilang sa apektado ay ang mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sa dalawang pahinang desisyon na ipinalabas  kahapon ng Pasay City Regional Trial Court (RTC), Branch 109, pinaboran nito ang hirit na temporary restraining order (TRO) ng grupo ng OFWs para harangin ang implementasyon ng Integrated Terminal Fee (ITF).

Sisimulan na sana itong ipatupad ngayong araw (Nov 1), alinsunod sa nakapaloob sa Memorandum Circular (MC) 08 ng Manila International Airport Authority (MIAA). 

Una nang iginiit ng grupo ng Pinoy workers na taliwas ang naturang circular sa nakasaad sa Migrant Workers Act kung saan may exemption sa mga OFW sa pagbayad sa travel tax, documentary stamp at airport terminal fee.

Kung saan 19 na taon na umanong tinatamasa ng mga OFW ang benepisyong ito.

Dahil sa inilabas na desisyon ng mababang hukuman ay iiral muna ang kasalukuyang patakaran ukol sa pagkolekta ng terminal fee hanggang sa makapagpalabas ng panibagong ruling ang korte.

DAHIL

INTEGRATED TERMINAL FEE

IPINATIGIL

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MEMORANDUM CIRCULAR

MIGRANT WORKERS ACT

PASAY CITY

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

PINOY

SISIMULAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with