DOH Sec. Ona nag-leave

MANILA, Philippines - Nagsumite si Health Sec. Enrique Ona ng kanyang leave kay Pangulong Aquino dahil sa medical reason.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, dahil sa pagsusumite ng kanyang leave ay itinalaga muna bilang officer in charge ng DOH si Usec. Janette Garin. Pero nilinaw ng Malacañang na hindi nagbibitiw sa kanyang puwesto si Sec. Ona sa DOH kundi nag-leave lamang.

Paliwanag pa ni Lacierda, kahit on leave naman si Ona sa DOH ay magagampanan pa din ng ahensiya ang kanilang trabaho lalo sa paglaban sa Ebola.

Nilinaw din ni Lacierda na walang dahilan upang sibakin ni PNoy si Ona dahil satisfied ang Pangulo sa trabaho nito.

 

Show comments